Nakakatulong pa rin ang pagsusuot ng face shield para maiwasan ang transmission ng COVID-19.
Ito ay matapos ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno na tanggalin na ang face shield policy kapag lalabas ng bahay ngayong pandemya.
Giit ni Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Benito Atienza, malaki pa rin ang maitutulong na proteksyon ng pagsunod sa health protocols tulad ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagsuot ng face mask at face shield.
Hindi rin sinangayunan ng Department of Local and the Interior Government (DILG) at Department of Health (DOH) ang suwestiyon ni Moreno at sinabing ibababa lamang ang face shield policy kapag nakamit na ang herd immunity ng bansa.
Facebook Comments