Manila, Philippines – Posibleng maghigpit sa suplay ng bigas sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.
Ayon kay National Food Authority Spokesperson Marieta Ablaza, ito ay kapag hindi nakapag-angkat ng bigas ang pilipinas.
Kinumpirma naman ni Mayor Teresa Alegado, Chairman ng Alliance of Grains Industry Stakeholders of the Philippines, na natengga sa mga daungan ang mga imported na bigas kaya nagmahal ang presyo nito sa merkado.
Samantala, isang resolusyon ang Ipinasa Ng NFA Council Na Nagpapatalsik Kay NFA Administrator jason aquino.
Ayon sa NFA council, gusto kasi ni Aquino na government to government ang importasyon ng bigas habang pribadong sektor ang nais nila.
Facebook Comments