Pagsuporta sa Earth Hour 2023, iginiit ng DENR sa mga Pilipino

Umapila ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa Sambayanang Pilipino na makiisa sa gagawing “Earth Hour” ngayong araw bilang suporta sa global efforts para protektahan ang mundo at labanan ang climate change.

Ayon sa DENR, suportado ng ahensiya kasama ng kanilang regional at field offices, bureaus at attached agencies nationwide ang pagpatay sa ilaw mula alas 8:30 ng gabi mamaya ng hanggang alas-9:30 ng gabi  para sa aktibidad ngayong taon na may temang “The Biggest Hour for the Earth.”

Paliwanag ng DENR, ang inisyatibo ng  World Wildlife Fund o WWF, Earth Hour ay isang Global Movement na taunang ginagawa, humihimok sa indibidwal, Komunidad at mga negosyo na patayin ang  non-essential electrical lights ng isang araw, ngayong araw bilang simbolo ng commitment para sa mundo.


Ang isang oras na “Lights Off” action ay may tulong na mabawasan ang gastos sa kuryente at nakakatulong na mabawasan ang carbon emission at nakalalasong Greenhouse Gases o GHG na ang major source ay elektrisidad.

May nakalinya ring Earth Hour activities ang ibang rehiyon ng DENR tulad ng  pag-post ng  infographics  ng aktibidad, pakikiisa ng mga  high schools, universities at colleges at mga tao na magpalitrato habang nakikiisa sa Earth Hour at epo-post ito sa Regional Facebook pages  ng DENR  na may maikling description  ng kanilang karanasan.

Nanawagan din ang DENR sa mga Pilipino na suportahan ang imbitasyon ng WWF na bigyan ng panahon ang Earth Hour at magbuhos ng 60 minuto bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa Climate Crisis.

Facebook Comments