Manila, Philippines – Suportado ng Department of Transportation o DOTr ang pagsuspinde ng lisensiya ng aktres na si Maria Isabel Lopez.
Ito ay matapos nitong tanggalin ang mga traffic cone na naghihiwalay sa ASEAN lane sa EDSA para doon dumaan.
Ayon sa DOTr, hindi dapat tularan ang ginawa ni Lopez dahil buhay at kaayusan ang nakasalalay sa pagsunod sa batas trapiko lalo na ngayong ASEAN Summit.
Umayon din dito si Task Group Commander on Route Security Police at NCRPO Regional Director Oscar Albayalde at sinabing dapat ay maging babala na ito sa kung sinuman ang nagbabalak pang lumabag sa road protocols ng ASEAN task force.
Desidido naman ang mmda na parusahan si Lopez dahil sa malinaw na paglabag nito sa seguridad at traffic rules kaugnay ng ASEAN summit.
Samantala, humingi na ng dispensa si Lopez sa kanyang social media account at sinabing handa siyang harapin ang anumang parusa sa kanyang ginawa pero aniya, dapat ay parusahan din ang iba pang kasama niyang lumabag.
Pagsuspinde ng lisensya ng aktres na si Maria Isabel Lopez, suportado ng DOTr
Facebook Comments