“Too late” o huli na para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang anunsyo ng Procurement Service ng Department of Budget and Management o PS-DBM na suspensyon sa pagbili ng mga non-common use supplies at equipment.
Sa tingin ni Castro, desperadong hakbang ito ng PS-DBM sa gitna ng mga panukala o panawagan na buwagin ang naturang ahensya katulad ng inihain ng Makabayan bloc.
Giit ni Castro, dapat ay pagpaliwanagin at papanagutin ang PS-DBM ukol sa iba’t ibang alegasyon laban dito.
Kabilang sa mga isyung kinakasangkutan ng PS-DBM ay ang umano’y overpriced na pagbili ng pandemic supplies, gayundin ang umano’y pagbili ng overpriced at outdated na laptops para sa mga guro.
Facebook Comments