Umapela si Albay Governor Al Francis Bichara sa pamahalaan laban sa pagsuspinde ng quarrying operations sa lalawigan.
Katwiran ni Bichara, mawawalan sila ng mapagkukunan ng materyales para sa reconstruction at rehabilitation kapang itinuloy nito.
Mahalagang imbestigahan muna ng pamahalaan ito bago magpatupad ng suspensyon sa quarrying operations.
Sinabi naman ng Albay Public Safety and Management Office na kahit walang quarrying, ang lahar mula sa Bulkang Mayon ay mananatiling banta sa ilang barangay.
Matatandaang ipinag-utos na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang suspensyon ng quarrying operations sa Guinobatan, Albay matapos makita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lawak ng pinsala sa lalawigan kasunod ng pagtama ng Bagyong Rolly.
Facebook Comments