Pagsuspinde ng session habang umiiral ang ECQ, pag-aaralan ng Senado

Pag-aaralan ng liderato ng Senado kung tuloy o isususpinde ang session sa loob ng dalawang linggo na pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula August 6 hanaggang August 20.

Paliwanag ni Senate President Tito Sotto III, kanilang bibigyang konsiderasyon ang kapakanan ng mga empleyado ng Senado na posibleng mahirapang pumasok sa panahon na naka-lockdown ang National Capital Region (NCR).

Diin SP Sotto, kanilang magiging pagpapasya ay hindi para sa mga senador kundi para sa kaligtasan ng mga staff ng Senado na maaring mahirapang bumiyahe dahil sa ECQ lalo na ang sumasakay sa public transportation.


Habang naka-ECQ ay maaari naman aniyang magsagawa ng pagdinig at embestigasyon kung saan ang mga kalahok ay virtual o video conference.

Dahil dito ay sinabi ni SP Sotto na kanilang aapurahin ngayong linggo ang mga economic measures na layuning mapadali ang pagpasok ng mga daguhang mamumuhunan na makakalikha ng mas maraming trabaho at makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya.

Kabilang dito ang panukalang Public Service Act, Foreign Investment Act at pag-amyenda sa Retail Trade Liberalization Law.

Facebook Comments