Pagsuspinde sa excise tax, kailangan munang isabatas – DOE

Nilinaw ni Department of Energy o DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na hindi basta-basta maaaring suspendihin ang umiiral na excise tax sa bansa habang mataas ang international oil prices.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Director Abad na mayroong probisyon ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law na pinanggalingan ng excise tax.

Sa ilalim aniya ng Section 43, mayroong probisyon na pinapayagan ang suspension ng excise tax subalit limitado lamang mula 2018 hanggang 2020 kasabay ng pagpapatupad ng three tranches ng excise tax ay doon lamang pinapayagan ang pagsususpinde nito.


Sa ngayon, sunod-sunod ang pagsirit ng produktong petrolyo, kinakailangan muna ng batas upang ma-suspend o ma-repeal ang pagpapatupad ng excise tax sa bansa.

Kaugnay nito, bago rin aniya kumilos ang kongreso ay kinakailangan ng series of consultation sa Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) dahil buwis ang pinag-uusapan dito.

Ang mga buwis kasi na nakukuha ng pamahalaan ang siyang ginagamit sa iba’t ibang programa ng pamahalaan partikular na sa COVID-19 response ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments