Friday, March 20, 2026

Pagsuspinde sa koleksyon ng “terminal fees” sa mga paliparan at pantalan, panawagan ni Rep. Tutor sa pamahalaan

Iminungkahi ni Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor sa gobyerno na pansamantalang suspendihin ang koleksyon ng “terminal fees” sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.

Hirit ito ni Tutor sa harap ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo dulot ng gulo sa Gitnang Silangan na tiyak lalatay sa sektor ng turismo, transportasyon, at pagkain o agrikultura.

Kasama rin sa suhestyon ni Tutor ang pagsasaayos ng mga lansangan sa mga lugar sa bansa na dinadayo ng mga turista gayundin ang pagbawas sa toll fee.

Ayon kay Tutor, kung hindi ito gagawin ng pamahalaan ay tiyak na marami ang maaapektuhan ng krisis lalo’t ang buwan ng Marso hanggang Mayo ay “peak season” para sa bakasyon at pagbiyahe.

Umaasa si Tutor na magiging mabilis ang pagtugon ng gobyerno sa kanyang hiling dahil ang mabagal na aksyon ay tiyak makakaapekto sa gastusin sa travel at fuel at malalagay din sa alanganin ng trabaho at kabuhayan ng ating mga kababayan.

Facebook Comments