Pagsuspinde sa operasyon ng PNR, pinasisilip ng Senado

Ipinabubusisi ni Senate President Pro-Tempore Loren Legarda sa Senado ang plano ng Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) sa loob ng limang taon.

Sa Senate Resolution 546 na inihain ni Legarda, pinuna ang kawalan ng malinaw na plano kung paano magko-commute ang nasa 30,000 pasahero na araw araw sumasakay ng tren ng PNR.

Inaatasan sa resolusyon ang Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe na manguna sa pag-iimbestiga sa problema.


Una nang inihayag ng DOTr na suspendihin ang operasyon ng PNR para bigyang daan ang pagtatayo ng 55-kilometer North South Commuter Railways na magdudugtong sa mga lalawigan sa Hilaga at Timog Luzon.

Sa buwan ng Mayo ay sisimulan ang suspensyon ng ruta ng PNR sa Alabang, Muntinlupa hanggang Calamba, Laguna habang sa Oktubre naman ang pagpapatigil ng operasyon sa PNR stations na Tutuban, Maynila hanggang Alabang.

Facebook Comments