Pagsuspinde sa PhilHealth rate hikes, sinuportahan ng mga senador

Sinuportahan ng mga senador ang pagsuspendi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtaas ng premium sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, magpapagaan nito ang pasanin ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Aniya, maaari lamang maipatupad ang premium rate hikes kapag bumaba na ang presyo ng mga bilihin.


Sinabi naman ni Sen. Christopher ‘’Bong’’ Go na makakatulong ito para makabawi ang ating ekonomiya.

Ipinunto naman ni Sen. Nancy Binay na naiintindihan nila ang sitwasyon ng ating mga kababayan lalo na ang mga direktang naapektuhan ng pandemya.

Ang premium rate hike ay itinakda sa ilalim ng Universal Health Care Act, na nagmamandato ng dahang-dahang pagtaas sa kontribusyon sa 3.5 porsiyento ngayong 2023 mula sa dating 2.75 porsiyento noong 2019 at limang porsiyento naman sa 2024.

Facebook Comments