Nagbabala si Senate President pro-tempore Ping Lacson na posibleng higit P320 billion ang mawawalang kita sa bansa kapag pati ang value-added tax o VAT sa langis ay sususpindihin.
Tinukoy ng senador na ito ang dagdag na kita na maaaring mawala sa bansa bukod pa sa humigit-kumulang P200 billion na mawawalang revenue sa gobyerno kapag naipatupad na ang suspensyon sa excise tax sa fuel.
Ayon kay Lacson, hindi ganoon kasimple ang mungkahi ng ilan na alisin o suspindihin na rin ang VAT sa langis dahil tiyak na matindi ang magiging impact nito sa ating Gross Domestic Product (GDP).
Nakasisiguro ang mambabatas na tayo rin mismo ang matatamaan ng epekto nito sa long o medium term.
Iginiit ni Lacson na kailangan ng masusing pagaaral sa mungkahing suspensyon sa VAT sa langis dahil malaki ang magiging epekto nito sa kita pamahalaan.
