Pagsusugal ng 6 na Lalaki, Natiklo ng mga Otoridad!

Santiago City – Timbog ang anim na kalalakihan matapos maaktuhang nagsusugal kahapon partikular sa bakanteng lote malapit sa Brgy. Hall ng Malvar, Santiago City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Hill Gilalas San Juan, 39 anyos, may asawa, Edwin Del Rosario Bartolome, 54 anyos, may asawa, Alexander Miguel Delos Santos, 39 anyos, may asawa, Christian De Jesus Bartolome, 32 anyos, may asawa, Johnson Miguel Baggay, 22 anyos, binata, na pawang mga residente ng naturang lugar, at Anthony Bayaua Hipolito, 33 anyos, residente naman ng Brgy. Rosario, Santiago City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Santiago City – Police Station 1 ang mga suspek matapos maaktuhang naglalaro ng ‘pogs card’.


Nakuha mula sa mga nadakip ang walong piraso ng pogs card at pera na nagkakahalaga ng mahigit siyam na libong piso (P9,000.00).

Nasa kustodiya na ng PNP Santiago City ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments