Pagsusulong at pagprotekta sa karapatan ng mga HIV-AIDS patients, tuloy pa rin – CHR

Tuloy pa rin ang gawain ng Commission on Human Rights (CHR) na isulong at protektahan ang karapatan ng mga Human Immunodeficiency Virus – Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV-AIDS) patients sa bansa.

Ayon kay CHR Commissioner Gwen Pimentel Gana, nakikipag-ugnayan pa rin sila sa iba’t ibang organisasyon upang hindi magkaroon ng paglabag sa karapatang-pantao ng mga ito.

Kahapon, December 1 ang paggunita ng World AIDS Day kung saan nakipagtulungan ang komisyon sa Philippine National AIDS Council, civil society organizations, at ilang ahensiya ng gobyerno para sa #EndtheStigma.


Alinsunod ang gawain sa Philippine HIV/AIDS Policy Act of 2018.

Facebook Comments