Pagsusulong ng karapatan ng Pilipinas patuloy na ipinaglalaban; sitwasyon sa WPS hindi ipinagsasawalang bahala ng bansa — DFA

 

Muling binigyang diin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi ipinagsasawalang bahala ng ating bansa ang nangyayaring sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y matapos ang paulit-ulit na serye ng tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa bahagi ng karagatan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, patuloy ang kanilang paglaban sa legal na paraan at tiniyak na hindi nila pinabayaan ang kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea.


Kung kaya nga umabot na sa 153 diplomatic protest ang inihain ng Pilipinas sa panig naman ng China.

Samantala, tiniyak ng kalihim sa publiko na patuloy nilang ilalaban sa China na ang West Philippine Sea ay sa atin at nakapaloob ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Facebook Comments