Pagsusulong ng Pangulong Duterte sa bagong Immigration Law, ikinalugod ng Bureau of Immigration

Pinasalamatan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang panawagan sa Congress sa State of the Nation (SONA) ng Pangulo kahapon na magpasa ng batas na papalit sa kasalukuyang Philippine Immigration Act of 1940.

Sinabi ni Morente na matagal na nilang inaasam na magkaroon ng bagong Philippine Immigration Law.

Maging ang mga opisyal ng BI employees’ union Buklod-CID at Immigration Officers Association of the Philippines, Inc. (IOAP) ay nagpaabot ng suporta sa panawagan ng Pangulong Duterte.


Kasabay nito, umapela si Morente sa Congress na bigyang prayoridad ang mga nakabinbin na panukalang batas para sa modernisasyon ng BI.

Nais din nila na magkaroon ng mas mahigpit na kapangyarihan ang BI para mahadlangan ang pagpasok sa bansa ng illegal aliens.

Hiniling din sa Kongreso ng Buklod-CID at IOAP na i-upgrade ang salary scales ng Immigration personnel para maiwasan ang corruption sa hanay ng rank and file.

Facebook Comments