Para matugunan ang problema sa food security sa bansa, tuluyang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagsusulong ng urban agriculture sa mga urban areas sa buong bansa.
Sa botong 212 na pabor at wala namang pagtutol ay naipasa sa final reading ang House Bill 8385 na layuning itulak ang modern, cost-effective, space-efficient at environmentally-safe agriculture technologies sa mga lungsod upang makamit ang sapat na produksyon at seguridad sa suplay ng pagkain.
Layon din ng panukala na matiyak na may sapat na makukuhang nutrisyon, kalusugan at pag-unlad sa buhay ang mga urban population.
Sakop sa mga maaaring pagtaniman o gawing community gardens o vertical farms ang mga bakante o inabandonang government o private lands, gayundin ang mga bakanteng lugar sa subdivisions o villages, public housing, condominiums, maging ang mga open spaces sa lahat ng urban, peri-urban at urbanizable areas sa buong bansa.
Kasama rin dito ang mga available land resources sa mga state o private universities and colleges, at military camps na angkop para sa pagtatanim, poultry, livestock at aquaculture.
Inaatasan sa panukala ang mga Local Government Units (LGUs) at ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na tukuyin ang mga idle na pampubliko at pribadong lupa o space na maaaring i-convert na community garden o vertical farms.