Pagsusulong sa panukalang Archipelagic Sealanes Passage, dapat pagtuunan ng pansin ng Kongreso – Justice Carpio

Naniniwala si Senior Associate Justice Antonio Carpio na labag sa kautusan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas sa mga dayuhang barko na mag-produce ng clearance passage bago maglayag sa territorial waters ng Pilipinas.

Sinabi ni Carpio na Para maiwasan ang tresspassing, mas mainam aniyang isulong na lamang ang panukalang Archipelagic Sealanes Passage na ilang taon nang nakabinbin sa Kongreso.

Sa ilalim ng House Bill 5487, pahihintulutan ang Pilipinas na magtakda ng sariling  Archipelagic Sea Lanes at italaga ang pass thru sea lanes ng civilian at military ships.


Nag-ugat ang isyu matapos ang ilang ulit na pagbaybay ng mga barkong pandigma ng China sa teritoryo ng Pilipinas nang walang pahintulot mula sa Philippine government.

Facebook Comments