Pagsusumite ng business registration sa BIR, pwede na sa online sa pamamagitan ng NewBizReg Portal

Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na maaari nang magsumite ng application para sa business registration sa pagitan ng online.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar R. Dulay, ang mga transaksyon ng mga taxpayer ay pwede nang gawin sa online sa pamamagitan ng New Business Registration o NewBizReg Portal, ang alternatibong opsyon para sa ligtas at convenient na magsumite ng kanilang applications para sa business registration at iba pa.

Paliwanag ni Dulay, ang NewBizReg ay available sa mga parehong indibidwal at non-individual business taxpayers, lalo na sa sole proprietor, professionals, mixed-income earners, corporations, partnership, cooperatives, association at iba pa.


Layon nitong palawakin pa ang transaksyon ng mga taxpayer na magagawa sa pamamagitan ng online 24/7 at walang physical contact.

Sa mga magpaparehistro online, i-scan muna ang mga requirements sa PDF copy na hindi lalagpas sa 4MB total file size bago i-email sa BIR website.

Facebook Comments