Pagsusuot ng face mask ng mga sundalo, ginawa ng mandatory

Inoobliga na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr. ang lahat ng mga sundalo magsuot ng face mask lalo na ang mga nasa loob ng Camp Aguinaldo dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Ayon kay AFP Public Information Office Chief Captain Jonathan Zata iniutos ito ni AFP Chief of Staff sa mga sundalo at civilian personnel para maiwasan ang pagkalat ng nakakamatay na virus.

Kinakailangan daw na maging doble ingat ang lahat dahil kahit positibo sa virus ang isang tao hindi ito nakakaramdam ng sintomas.


Sa Gate 1 ng Camp aguinaldo simula bukas, April 2, ay hindi na papasukin ang mga hindi naka-face mask.

Pinapagawa rin ito ni AFP Chief sa lahat ng military camps nationwide kung kinakailangan.

Sa ganitong paraan, ayon sa opisyal, ay mapoprotektahan ang mga frontliners na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng panganib ng COVID-19.

Facebook Comments