Pagsusuot ng face mask sa Cebu City, hindi na mandatory!

Hindi na obligadong magsuot ng face mask ang mga residente ng Cebu City sa outdoor areas.

Ito ay matapos pirmahan ni Cebu City Mayor Michael Rama ang Executive Order No. 5, na nag-aalis ng mandatory face mask policy sa outdoor at open spaces sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Rama, nasa pagpapasya na ng isang indibidwal kung magsusuot ito o hindi ng face mask sa outdoor spaces dahil self-regulation at protection aniya ang pagsusuot nito.


Tuloy-tuloy rin ayon sa alkalde ang kanilang pagbabakuna sa lungsod.

Pero paglilinaw ni Rama, mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga indibidwal na may comorbidity.

Hindi rin kabilang ang mga ospital, klinika, at iba pang medical o diagnostic facilities sa ilalim ng naturang kautusan.

Samantala, ang mga establisyemento at business entities naman sa lungsod ay may opsyon kung susundin o hindi ang EO No.5.

Magiging epektibo ang kautusan bukas, Huwebes, Setyembre 1.

Facebook Comments