DOH, umalma sa deklarasyon ng Cebu City na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa lungsod

66

Umalma ang Department of Health (DOH) sa deklarasyon ng Cebu City government na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa lungsod.

Ayon kay Vergeire, hindi sila nakonsulta ng Cebu City Local Government Unit (LGU) hinggil dito at taliwas aniya ito sa pinatutupad ng national government na One-Nation approach sa paglaban sa COVID-19.

Iginiit ni Vergeire na hindi maaaring magpatupad ang anomang lokal na pamahalaan ng sarili nilang COVID protocols.


Nagbabala rin si Vergeire na posibleng tumaas ang kaso ng infection sa Cebu City at nanganganib aniyang ma-infect ang mga bisitang tutungo sa nasabing lugar.

Ipinauubaya na rin ng DOH sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pakikipag-ugnayan sa Cebu City LGU hinggil sa nasabing deklarasyon.

Facebook Comments