Kung ang National Parent Teacher Association ang tatanungin, mas nanaisin nila ang pagsusuot ng facemask sa loob ng mga paaralan ng mga estudyante at guro.
Ito ay sa kabilang ng banta pa rin ng Covid-19 sa buong bansang Pilipinas.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay NPTA Vice Internal Lito Sinieto, hindi kasi nakikita ang virus ng Covid-19 kung saan ay mananatili ang banta nito.
Bagamat voluntary na lamang ang pagsusuot ng face mask, mas maganda pa rin aniya na mag-face mask para mas matitiyak ang kaligtasan ng lahat.
Ngayong Miyerkules November 2 ay nagbabalik na ang full implementation ng face to face classes o ibig sabihin ay limang beses isang linggo na pasukan. |ifmnews
Facebook Comments