150, iniwang patay ng Bagyong Paeng

Nadagdagan pa ang mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga ay lumobo na ito sa 150.

Pinakamarami sa napaulat na nasawi ay galing sa BARMM na 63.


29 naman ang galing sa Region 6, 33 ang galing sa CALABARZON, lima ang galing sa Region 8, apat ang galing sa Region 9, apat ang galing sa Region 12, tatlo ang mula sa MIMAROPA, dalawa ang mula sa Region 7, Region 3 at Region 5, at isa naman ang mula sa CAR.

Sa nasabing bilang, 94 ang kumpirmadong nasawi na may kinalaman sa bagyo habang 56 ang “for validation” pa.

Maliban dito, may napaulat din na 128 nasaktan at napaulat na 36 nawawala dahil sa Bagyong Paeng.

Facebook Comments