“𝟯𝗖’𝘀 – 𝗰𝗹𝗼𝘀𝗲𝗱, 𝗰𝗿𝗼𝘄𝗱𝗲𝗱 𝗮𝘁 𝗰𝗹𝗼𝘀𝗲-𝗰𝗼𝗻𝘁𝗮𝗰𝘁”, dito lang umano maaaring gamitin o isuot ang face shield ayon sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte nito lamang Miyerkules ng gabi kung saan ‘HINDI NA REQUIRED’ ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.
Sa pagsasaad naman ng Pangulo sa kanyang ikalawang Talk to the People ngayong linggo, sinabi nitong “No more face shields outside… Ang face shield, gamitin mo lang sa 3Cs: closed facility, hospital, basta magkadikit-dikit, crowded room, tapos close-contact. So diyan, applicable pa rin ang face shield,”.
Pagdaragdag pa niya, “Other than that, I have ordered kung ganoon lang naman, sabi ko then I will order that we accept the recommendation nitong executive department.”
Ayon pa sa Pangulo, nais nitong matapos agad ng mga Executive Department sa lalong madaling panahon ang mga guidelines ukol sa kanyang anunsyo para maisapubliko na at maipatupad na.
Samantala, tanging Pilipinas na lamang ang gumagamit ng face shields sa buong mundo kung saan nauna nang sinabi ng World Health Organization na hindi naman daw ito epektibo ang paggamit nito para maiwasan ang COVID-19.