Baguio, Philippines – Sa pinirmahang Executive Order no. 118 series of 2020, kahapon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na naglalayong gawing mandatoryo ang pagsusuot ng face shield para sa mga nagtatrabaho sa mga business establishments, banko at mga opisina ng gobyerno para mas maiwasan pa at malabanan ang banta ng Covid-19.
Ayon sa naturang EO, lahat ng empleyado at recieving personnel ng mga business establishments, banko at government office sa lungsod, ay kinakailangang magsuot ng face shield habang naka duty na babantayan naman ng City Health Service Office, Permits & Licensing Division, Public Order & Safety Division, mga opisyal ng mga barangay at ng Baguio City Police Office, para masigurado ang implementasyon at pagsunod ng mga ito sa naturang EO.
Bukod sa mandatoryong pagsusuot ng face shield, nakasaad din sa naturang EO na kinakailangang maglagay ang mga nabanggit na establisimyento ng transparent physical barriers sa mga work station ng mga ito para mas maging mabisa ang paglaban at mas miwasan ang pagkahawa ng mga empleyado at kliyente sa naturang virus.