Gagawin nang mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga public transportation.
Simula August 15, 2020, obiligado na ang mga pasaherong sasakay sa pampublikong sasakyan na magsuot ng face shield bukod pa sa face mask.
Habang sa August 7, 2020 naman, para sa mga sasakay sa anumang sasakyang pandagat.
Kaugnay nito, nagpalabas na ng memo ang Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority at Cebu Port Authority hinggil sa istrikto nitong pagpapatupad ng “no face shield, no ride policy” simula sa Biyernes.
Noong nakaraang linggo, matatandaang sinabi ng Malacañang na ire-require na rin sa publiko ang pagsusuot ng face shield bilang bahagi ng minimum health standards para makaiwas sa COVID-19.
Facebook Comments