Pagsusuot ng mask sa mga paaralan, ibinalik sa New Jersey

Ibinalik na ang pagsusuot ng mask sa mga paaralan sa New Jersey sa United States dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay New Jersey Governor Phil Murphy, kinakailangan nang magsuot ng mask ang mga estudyante mula kindergarten hanggang Grade 12 sa pagbubukas ng mga paaralan.

Paliwang ni Murphy, nakakabahala ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 at banta ng Delta variant sa kanilang estado.


Sa huling datos ng New Jersey, umakyat sa 105% ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng dalawang lingo habang 92% naman ang inangat ng mga na-ospital sa nakalipas na isang buwan.

Samantala, 67% pa lamang ng populasyon ng New Jersey ang nababakunahan ng first dose.

Facebook Comments