Pinoy Golfer Yuka Saso, nakapagtala ng 6-under 65 sa final round; Pagdanganan, nakapagtapos naman ng 1-over par sa Tokyo Olympics

Nakapagtala ng 6-under 65 ang pambato ng Pilipinas sa golf na si Yuka Saso sa final round ng women’s individual stroke event sa Kasumigaseki Country Club sa Tokyo Olympics.

Nagtapos si Saso sa ika-10 na puwesto matapos makapagtala ng kabuuang 274 mula sa apat na round.

Ito na ang naging magandang laban ni Saso matapos ang mabagal nitong panimula kung saan siya ay nasa ika-47 pwesto.


Samantala, lumapag naman sa ika-43 na puwesto si Pagdanganan matapos ang 3-over par sa ikaapat na round.

Facebook Comments