Pagsusuot ng N95 mask, inirekomenda ng Bureau of Immigration sa mga tauhan nito sa port of entry at exit

Pinayuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nito sa mga paliparan at pantalan na magsuot ng face mask para maiwasang mabiktima ng bagong strain ng coronavirus.

Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval – ang lahat ng kanilang mga officer sa ports of entry at exit ay kailangang magsuot ng N95 mask dahil sila ay may direktang contact sa mga biyahero.

May ipinapatupad na rin silang precautionary measures kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero pagkatapos ng Chinese New Year sa January 25.


Ang bagong coronavirus ay nasa likod ng pneumonia outbreak sa Wuhan, China.

Facebook Comments