Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva na dapat suriin muna ng Dept. of Labor and Employment ang mga dayuhan na bibigyan ng bureau of immigration ng special working permit.
Ang special provision na ito ay isinulong ni Senator Villanueva na maipaloob sa ginagawang batas ukol sa 2019 national budget.
Ito ang nakikitang solusyon ni Villanueva sa umano ay maluwag na pagkakaloob ng ganitong permit ng immigration bureau kaya nitong nakaraang taon ay umabot sa 185 thousand ang mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa na karamihan ay mga Chinese.
Nadiskubre ni Villanueva na nagbibigay ng permit na ito ang isang opisina ng Immigration sa BGC, Taguig sa halagang 5-libong piso na hindi umano nireresibuhan.
Sa impormasyon ni Villanueva, ang nabanggit na mga dayuhan ay pinayagan ng immigration ng magtrabaho bilang call center agents, mekaniko, construction worker at cook kaya naagawan ng trabaho ang mga Pilipino.