Friday, February 20, 2026

Pagsusuri sa ulat ng ICI sa flood control projects, posibleng matapos ngayong Pebrero —Malacañang

Malapit nang matapos ng Malacañang ang pag-aaral sa halos isang libong pahinang report na isinumite ng Independent Commission for Infrastructure o ICI kaugnay ng imbestigasyon sa mga kuwestyunableng flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro. posibleng matapos ito ngayong Pebrero pero hindi nangangahulugang agad maglalabas ng pasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol dito.

Hindi aniya ito simpleng babasahin na kapag natapos ay maaari nang magdesisyon dahil kailangan pa umanong himayin at timbangin nang mabuti ang laman ng ulat upang makabuo ng makatuwiran at matibay na hakbang.

Sa ngayon, wala pang personal na pag-uusap ang pangulo at si ICI Chairman Justice Andres Reyes tungkol sa usapin pero nagpapatuloy ang operasyon ng komisyon.

Dagdag ni Castro, nakapagsumite na ang ICI ng ilang rekomendasyon sa Department of Justice at Office of the Ombudsman.

Facebook Comments