Pagsususpinde ng klase sa gitna ng COVID-19 surge, pinayagan ng DepEd

May opsyon ang mga regional at school division offices ng Department of Education na magsuspinde ng klase at iba pang teaching-related activities ngayong Enero sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon sa DepEd, diskresyon na ng mga regional at school division offices kung magsususpinde sila ng pasok batay sa magiging assessment nila sa health status ng mga guro at estudyante.

Sakaling magsuspinde ng klase, dapat na i-reschedule ang pagsusumite ng mga academic requirements at pagsasagawa ng iba pang teaching-related activities.


Dapat din na hindi lalampas sa dalawang linggo ang suspensyon ng klase.

Samantala, ayon pa sa DepEd, pwede ring magpatupad ng class suspension at K to 12 learning activities ang mga pribadong paaralan basta’t may konsultasyon sa mga magulang.

Facebook Comments