10-M doses ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa 5-11 y/o, darating sa bansa sa susunod na linggo

226

Posibleng mapaaga ang dating sa Pilipinas ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, sisikapin ng Pfizer na mai-deliver na sa bansa ang nasa 10 milyong doses ng bakuna sa susunod na linggo.

Matatandaang unang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na sa January 31 pa inaasahang darating ang mga bakuna.


Sa Pebrero naman inaasahang masisimulan na ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa nasabing age group.

Facebook Comments