PAGSUSUSPINDE NG PAGKAPANALO NG MGA BSK ASPIRANTS KUNG MAY NAKABINBING KASO, APRUBADO NA NG COMELEC

Aprubado na ng pamunuan ng COMELEC ang kautusang sususpinde sa pagdeklara ng mananalong kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Council kung mayroong mga nakabinbin at hindi naresolbang mga kaso laban sa mga ito.
Kabilang sa grounds ng suspension ay ang reklamo na may kinalaman sa Cancellation of Candidacy, Declaration of nuisance Candidate at ang Disqualification Case.
Sa lalawigan ng Pangasinan, matatandaan na kabuuang 162 na show cause order ang naitalang paglabag ng mga BSK Aspirants kaugnay sa mga reklamong premature campaigning at vote buying.

Muling nagpaalala ang COMELEC sa mga kumakandidatong may paglabag sa itinakdang mga regulasyon at ang inaasahang pagpapaliwanag ng mga ito upang hindi mabigyan ng karampatang diskwalipikasyon lalo na kung maihahalal bilang mga official BSK Councils.
Samantala, nagpapatuloy sa kasalukuyan ang pangangampanya ng mga kumakandidato hanggang sa Oct 28, dalawang araw bago ang halalang pambarangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments