ISA PATAY ISA KRITIKAL, SA BANGGAAN NG MOTOR AT TRICYCLE SA SAN CARLOS CITY

Dead on Arrival sa pagamutan ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan ang isa pa sa naganap na banggaan ng motor at tricycle sa San Carlos City.
Naganap ang aksidente sa bahagi ng Barangay Manson pasado alas diyes ng Gabi.
Ayon sa imbestigasyon, tinangkang mag over take ang tricycle na minamaneho ng isang Tyrone Tamayo ang sinusundan nitong sasakyan subalit napunta ito sa linya ng single na minamaneho ng isang hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan na lalaki.

Dahil dito ay nagkaroon ng Head on Collision ang dalawa na dahilan upang parehong tumalipon ang mga drivers at magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa kasamaang palad ay idineklarang Dead on Arrival ang driver ng motor na patuloy pa ding inaalam ang pagkakakilanlan habang inoobserbahan pa si Tamayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments