Pagtaas ng Alert Level sa Metro Manila, hindi pa kailangan ayon sa World Health Organization

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na hindi pa kailangang itaas ang alert level sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay WHO Country Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, makikita naman na nabawasan ang mobility at kilos ng tao kaya nananatiling sapat pa ang umiiral na alert level sa rehiyon.

Aniya, wala rin silang nakikitang indikasyon na na-o-overwhelmed ang healthcare system ng bansa kahit na tumataas ang kaso sa bansa.


Kasabay nito, nagpaalala si Abeyasinghe sa publiko na dapat panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standards partikular na ang pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Facebook Comments