Miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Lanao del Sur

970

Napatay ng militar ang miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA matapos ang engkwentro sa Amai Manabilang, Lanao del Sur.

Ayon kay Major Alex Mindalano, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines o AFP Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM), nagsasagawa ng focused military operations ang 1st Special Forces Battalion nang maka-engkwentro ang tinatayang 50 communist terrorist.

Tumagal ng tatlong oras ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isang communist terrorist.


Nasamsam sa mga nakasagupang NPA ang M60 general purpose machine gun, M4 rifle, M16 rifle, M14 rifle, M1 garand rifle at war material.

Nanawagan naman si AFP EASTMINCOM Commander Lieutenant General Greg Almerol sa natitirang communist terrorist na magbalik-loob at tanggapin ang tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Facebook Comments