Pagtaas ng alert level status hinggil sa pagpasok ng Omicron subvariant BA 2.12.1, hindi pa napapanahon ayon sa DOH

Wala pa ring posibilidad na itaas muli ang COVID-19 alert level sa bansa sa gitna ng banta ng bagong subvariant na Omicron BA.2.12.1.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong basehan ang alert level system.

Patuloy pa aniyang pinag-aaralan ng kagawaran ang katangian ng naturang Omicron subvariant.


Sa kanilang pagsusuri, mas mabilis itong makahawa kaysa sa orihinal na variant na Omicron.

Sa ngayon, nasa 14 na kaso ng BA.2.12.1 ang na-detect sa Palawan kung saan dalawa rito ay mula sa National Capital Region.

Facebook Comments