Nangyaring riot sa QC Jail, pinaiimbestigahan ng pamahalaang lungsod ng Quezon

Ipinag-utos na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring riot ng mga inmate ng Quezon City Jail.

Sa pahayag, sinabi ng alkalde na kaniyang inatasan ang Quezon City Police District at Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na pangunahan ang imbestigasyon.

Aniya, dapat managot ang mga nagpabaya kung bakit nangyari ang insidente na nag-iwan ng isang inmate na nasawi at siyam na iba pang nasugatan.


Binigyang diin pa ni Belmonte na dapat repasuhin ng BJMP ang kanilang security protocols upang hindi na iyon maulit pa sa hinaharap.

Sa ngayon ay doble higpit na ang ipinatutupad na seguridad sa Quezon City Jail ng mga tauhan ng Star Team mula sa BJMP-NCR at ng SWAT team naman mula sa QCPD.

Facebook Comments