Naniniwala ang Department of Health (DOH) na ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa ay resulta ng mga nagdaang mga bagyo na nagpwersa sa mga pamilya na manatili sa evacuation centers.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, marami ang lumikas dahil sa mga bagyo at nananatili at nagsisiksikan sa evacuation centers.
Bukod dito, nakikita rin ni Duque na tumataas ang kaso dahil na rin papalapit ang Kapaskuhan kung saan marami nang tao ang lumalabas at nakakalimutang sumunod sa minimum health standards.
Iginiit ni Duque na hudyat din ito na dapat mag-ingat ang lahat at panatilihin ang pagsunod sa health protocols.
Facebook Comments