Pagtaas ng bagong COVID cases sa Metro Manila, posibleng dulot ng Delta variant – Dr. Solante

Naniniwala ang isang infectious disease expert na ang pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay posibleng bunga ng Delta variant.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, hindi niya inaalis ang posibilidad na may local transmission na ng Delta variant sa Metro Manila.

Aniya, maging ang ibang variants tulad ng Alpha (UK) at Beta (South Africa) variant ay nagdudulot din ng pagtaas ng kaso.


“I highly speculate that with the character, transmissibility of the Delta variant, there’s already a local transmission,” sabi ni Solante.

“Actually even the other variants like the UK variant or the South African variant can also cause this increase in cases, but correlating the report that Delta variant was already documented, then it’s not far-fetched that maybe, this increase in cases can be variant-driven,” dagdag pa ni Solante.

Facebook Comments