Pagtaas ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19, resulta ng Mass Testing ayon sa Mandaluyong City Government

Naniniwala ang pamunuan ng Mandaluyong City Government na malaki ang kontribusyon ng isinagawa nilang mass testing kaya’t mabilis ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, mula sa 861 na hinihinalang may kaso ng COVID-19, umakyat sa 963 ang suspected cases, 40 ang nasawi habang 152 naman ang nakarekober.

Paliwanag ng Alkalde, ang mga suspect case na may negative results ay mapapabilang na sa “cleared suspects” kung saan umaabot na sa 829.


Nasa 289 naman ang nasa active case habang 2 lamang ang probable case.

Nilinaw naman ni Mayor Abalos, ang mga probable at suspect case ay patuloy na nakatatanggap ng food assistance mula sa pamahalaang lungsod habang nakahome quarantine sila.

Giit ng Alkalde, mahigpit na sinisiguro na ang mga probable at suspect case ay hindi lumalabas ng bahay para hindi mapabilang sa kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments