Sa pagbabalik ng face-to-face classes ay ang problema sa pagbasa na kinakaharap ng ilang estudyante sa ilang eskwelahan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay matapos ang ilang taong distance learning na pinakapangunahing sanhi sa pagtaas ng bilang ng mga slow readers na mga estudyante.
Sa resulta ay nakitang halos mga Gr. 7 students ang hirap sa pagbasa partikular sa Calasiao Comprehensive National High School dahilan ang kanilang mga nakaraang taong baitang na nasa online at modular learning set up at hindi natutukan.
Sa kabila nito ay puspusan ding naghahanda ang DepEd Region at mga guro sa mga paaralan ng mga solusyon tulad na lamang ng paglulunsad ng mga downloadable video lessons, reading programs, at mga reading books na puno ng mga visuals upang maenganyo lalo ang mga estudyante sa pagbasa.
Samantala, ayon kay DEPED Region 1 Dir. Tolentino Aquino, nagpapatuloy ang Reading First for Region 1 na naglalayong paigtingin ang reading ability ng mga mag-aaral. |ifmnews