Manila, Philippines – Aminado ang Philippine National Police (PNP) na tumaas ang bilang ng rape-slay cases.
Ito’y matapos i-alis sa PNP ang giyera kontra droga at inilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PNP Chief ronald dela rosa – nakakabahala ang mga sunud-sunod na kaso ng pagpatay at panggagahasa ng mga suspek na hinihinalang nasa impluwensya ng droga.
Batay sa datos ng PNP, kasama sa mga nangungunang walong uri ng mga krimen na tinutukan ng PNP ay ang riding in tandem criminals, robbery, homicide, murder, physical injuries, rape at car napping.
Facebook Comments