Tumataas ang bilang ng mga hindi bakunadong nahawaan ng COVID-19 sa Davao City.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na mahalaga talaga ang pagpapaturok ng bakuna partikular na ng booster shot.
Patunay aniya ito na ang mga hindi pa nagpapabakuna ang madalas na tinatamaan ng malala o severe cases ng virus.
Dahil dito, umaasa si Solante na maliliwanagan ang publiko kaugnay sa kahalagahan ng vaccine at ng 3rd dose para masiguro ang proteksyon kontra severe infections.
Samantala, suportado naman ng eksperto ang kampanya ng Department of Health (DOH) na PinasLakas na layuning maitaas pa ang bilang ng mga nagpapaturok ng bakuna partikular na ng booster dose.
Facebook Comments