Isang SUV, bumaligtad sa Sta. Ana, Maynila

98

Bumaligtad ang isang SUV sa may bahagi ng Lambingan Bridge sa Sta. Ana, Maynila.

Nangyari ang insidente pasado kaninang alas-5:00 ng umaga kung saan self-accident o pagkakamali ng driver ang pinagmulan ng insidente.

Kwento ng driver na nakilala sa pangalan na Jim, papunta sana sila sa Mandaluyong City nang mangyari ang aksidente.


Inabot naman ng halos dalawang oras bago tuluyang naialis ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang nasabing SUV na may plakang DAL-9193.

Kaya’t dahil dito, bahagyang sumikip ang daloy ng trapiko mula Sta. Ana, Maynila patungong area ng Mandaluyong.

Ayon sa Manila Police District (MPD) Station-6, posibleng naka-idlip o napikit ang driver kaya ito naaksidente habang papaakyat ng tulay kung saan ay mayroon pa itong isang pasahero na bigla na lamang umalis at iniwan ang naturang driver.



Facebook Comments