Pagtaas ng COVID-19 case sa bansa, bunsod ng Delta variant – DOH

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na ang Delta variant ng COVID-19 ang dahilan ng pagtaas ng kaso nito sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay kung titignan ang trend ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, ang iba pang variant na nakahahawa rin tulad ng Alpha at Beta ay nakapagpapataas din ng bilang ng kaso.


Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi na nila matiyak na nagkakaroon na ng community transmission ng Delta variant sa bansa kung saan hindi na matukoy ang pagkakaugnay ng bawat kaso sa isa’t isa.

Facebook Comments