Sunday, July 12, 2026

Pagtaas ng Covid-19 cases, hindi dapat ikaalarma

Nagpaalala ang Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) na hindi dapat maalarma at mag-panic ang publiko sa kabila ng ulat ng muling pagdami ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

Matatandaang kinumpirma ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division ang pagkakaroon ng 265% na pagtaas ng Covid-19 cases sa lungsod sa loob lamang ng 3 linggo.

Ayon sa grupo, walang bagong strain ang virus.

Sa halip na mangamba, nagbigay-paalala ang grupo na gawing pagkakataon ang sitwasyon na muling palakasin ang pag-iingat at pagiging malinis upang makaiwas sa anumang sakit.

Dagdag pa nito, maigi rin na manatili na muna sa buhay ang mga nakararanas ng respiratory illnesses gaya ng lagnat, ubo, at sipon. Bukod pa rito, nagpaalala rin ang grupo na magsuot ng face mask lalo na sa mga kulob at mataong lugar.

Samantala, may ulat din ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Baguio City subalit siniguro naman ng City Government na kontralado ito.

Facebook Comments