Saturday, July 11, 2026

𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗙𝗜𝗟𝗘𝗗 𝗕𝗨𝗧𝗔𝗡𝗘 𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Arestado ang isang negosyante matapos mahuling nagbebenta ng mga iligal na ni-refill na butane gas canister sa Brgy. Progressive, Gonzaga, Cagayan.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Cagayan Provincial Field Unit, Gonzaga Municipal Police Station, at iba pang unit ng kapulisan.

Nahuli umano sa aktong nagbebenta ang suspek na kinilalang si alias “Joy” sa isang undercover operative ng CIDG.

Nakumpiska sa operasyon ang 180 piraso ng iligal na ni-refill na butane gas canister at siyam na walang lamang canister na may kabuuang tinatayang halaga na ₱45,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Bilang 33, na inamyendahan ng Presidential Decree No. 1865, at Republic Act No. 11592 o LPG Industry Regulation Act.

Facebook Comments